Masakit ba ang ngipin mo? Dahil mahilig kumain ang mga Pilipino, ang pananakit ng ngipin ay isa sa pangkaraniwang problema na hinahanapan ng solusyon ng ating mga kababayan. Alam mong ang pagbisita sa dentista ang pinaka mahusay na gawin ngunit kung wala kang oras magpunta sa doktor, tamang tama ang artikulong iyong napuntahan dahil pag-uusapan natin ang natural na mga pamamaraan para mabawasan ang sakit ng iyong ngipin, kahit nasa bahay ka lang. Ang pagkabulok ng ngipin ay siyang pangunahing dahilan ng pagsakit,pamamaga at pangingilo nito. Ang pagkabulok ng ngipin ay dahil sa mga bacteria sa bibig na nabubuhay sa mga tira tiring pagkain na hindi naalis sa ngipin at sa gilagid. Nakagagawa ang mga bacteriang ito ng asido na maaaring makasira ng ngipin. Kapag naabot na ng pagkasira ang ubod ng ngipin mo, yan na ang panahon na pahihirapan ka ng matinding sakit. May iba pa namang sanhi ang pagsakit ng ngipin. Kabilang diyan ang hindi na maayos na pasta, pagkatipak ng ngipin, impeksiyon sa ...
Comments
Post a Comment